Raymark L. Zamora pays courtesy visit to Marilao Mayor Hon. Juanito "Tito" Santiago. Photo courtesy of Batang Marilenyo Facebook Page at https://www.facebook.com/BatangMarilenyo |
The Batang Marilenyo Facebook Page recognized the win of Raymark L. Zamora, one of the two Paulinians who won medals in the recently concluded 8th Taekwondo Culture Expo 2014 held in Muju-gun, Jeollabuk-do, South Korea on July 4-9, 2014.
The page post showed Zamora with Marilao Mayor, Hon. Juanito Santiago during his courtesy call with the Mayor.
Batang Marilenyo is dedicated to publishing the accomplishments and happenings of the youth in the town of Marilao, where Zamora hails at Barangay Abangan Sur.
The article reads:
MARILENYO, WAGI SA 8TH WORLD TAEKWONDO CULTURE EXPO CHAMPIONSHIP
Naiuwi ng Batang Marilenyong si Raymark Zamora ang silver medal sa 8th World Taekwondo Culture Expo Championship na ginanap sa Muju-gun, Jeollabuk-do, South Korea noong Hulyo 4-9, 2014.
Nagwagi si Raymark laban sa mga Taekwondo artists mula sa iba’t-ibang bansa kabilang na ang U.S.A, Japan, Russia at Thailand. Nasungkit ng ating pambato ang silver medal sa Poomsae o Demonstration at Kyurugi o Sparring category. Kasama rin niya sa kompetisyon ang 7 iba pang Pilipinong atleta na pawang taga-Bulacan.
Nakatira ang 15 anyos na si Raymark sa Barangay Abangan Sur, Marilao Bulacan. Sa kasalukuyan ay 4th year high school siya sa St. Paul College of Bocaue. Naging hilig ni Raymark ang Taekwondo nang magsimula siya sa high school. Mula noon ay naging sunud-sunod na ang paghakot nito ng medalya sa iba’t-ibang Taekwondo competitions.
Pangarap ni Raymark na maging isang Olympian at patuloy na makapagbigay ng karangalan at inspirasyon sa ating mga kababayan lalo na sa kapwa niya kabataan. Ayon sa kaniya, mahalaga ang pagiging mapagpakumbaba at tiyaga sa mga training para maabot ang mithiin.
Ayon kay Ginang Veronica Zamora, ina ni Raymark, todo ang suporta nila sa kanilang anak para mahasa nito ang taglay na husay at talento. Nagpasalamat din sila sa patuloy na suporta ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Mayor Tito para magtagumpay si Raymark sa pagsali nito sa iba’t-ibang kompetisyon.

No comments:
Post a Comment